Abante Tonite Interactive

Mock election ng SK at Barangay election sinubukan sa Rosauro Elementary School

1,047

Sinubukan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsa­sagawa ng ‘mock election’ ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) kahapon ng ­umaga sa Rosauro Almario ­Elementary School sa Ka­gitingan Street sa Tondo, Maynila.

Nabatid kay COMELEC Spokesman James Jime­nez, ang mock election ay idinaos mula alas-siyete hanggang alas-10:00 ng umaga sa clustered precincts 63 at 64 ng naturang paaralan, na nilahukan ng tinatayang nasa 100 botante na kinabibilangan ng mga kabataan at maging mga senior citizen.

Sa idinaos na simulation, ang mga botanteng nagkakaedad ng 15 hanggang 17-anyos ay binig­yan ng balota para sa SK polls, habang ang mga nasa 18-30-anyos ay pinayagang makaboto sa SK polls, gayundin sa Bara­ngay elections.

Habang ang mga nagkakaedad naman ng 31 taong gulang pataas ay binigyan lamang ng balota para sa halalang pambarangay.

Alas-10:00 ng umaga ay isinara na ang botohan at sinimulan ang pagbibilang at canvassing ng mga boto, na sinundan ng proklamasyon ng mga nanalo, na nagtapos naman ganap na ala-una ng hapon.

Layunin ng mock election na aktuwal na ma­kita ang magiging sitwa­syon at kaganapan sa mismong araw ng elek­syon, gayundin ay ma­subok ang kahandaan ng mga electoral boards at Bara­ngay Boards of Canvas­sers (BBOC) sa pagtupad sa kani-kanilang magi­ging mga tungkulin.

Sa pamamagitan rin ng mock election ay ma­tutukoy ng COMELEC ang mga posibleng magiging problema at kalituhan sa araw ng halalan at agad itong masosolusyunan.