Abante Tonite Interactive

Mocon, Bolick sinakmal ang twice to beat para sa Lions

283

Standings W L
San Beda 15 1*
LPU 15 2*
Letran 12 4*
Perpetual Help 11 5*
CSB 8 8
AU 5 11
MU 5 11
SSC-R 4 12
EAC 4 13
JRU 2 14

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
12 nn. – Perpetual Help vs Letran
2:00 p.m. – Mapua vs San Sebastian
4:00 p.m. – EAC vs JRU

Hindi na nagpaligoy-ligoy ang defen­ding champion San Beda University, sinakmal ang huling twice-to-beat incentives sa semifinals matapos kawawain ang Arellano University, 90-52 kagabi sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Una ng ibinulsa ng last year’s runner-up Lyceum, (15-2) ang nasabing insentibo na ibinibigay sa top two teams pagkatapos ng 18-game elimination round, tinalo nila ang College of Saint Benilde, 77-64 sa unang sultada.

Kumana si Javee Mocon ng 24 points at 11 rebounds habang nag-ambag si skipper Robert Bolick ng 11 markers, siyam na assists at limang rebounds para sa Red Lions na solo sa top spot tangan ang 15-1 card.

Parehong nakahinga na ang magkaribal na San Beda at Lyceum dahil kahit may natitira pang laro ay naselyuhan na nila ang Nos. 1 at 2 spots.

“Ngayong twice-to-beat na kami, we will have to consider the rest of our elimination round games as playoff games,” patungkol ni coach Boyet sa dalawang natitirang laban.

Nakatoka sa Red ­Lions ang LPU at host Perpetual Help bago sumalang sa semis.

Kumpleto na rin ang Final Four dahil swak na ang Letran Knights, 12-4 at Altas, 11-5.

May kartang 8-8 ang Blazers na nasa fifth pero hindi na sila aabot sa No. 4 na Perpetual Help.