Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mocon tapos na ng kolehiyo

0 41

Nakamit na ni Philippine Basketball Association veteran Javee Mocon ang pinakaaasam na sertipiko sa pagtatapos ng edukasyon sa kolehiyo nang makumpleto ang kursong BSBA Major in Marketing Management.

“God has given me so many opportunities to be a better individual. All glory to Him!,” pahayag Linggo ng 26 na taon, 6-3 ang taas na forward ng Rain or Shine. “Thank you San Beda University! My Career, my life changed because of you. Once a Lion always a Lion! Wishing things would’ve been different, naka martsa sana with my batchmates.”

SM food to go Banner Ad

Hinirit pa ng three-year pro league vet at Guagua, Pampaanga native, “Success isn’t one triumphant moment. Success is a series of moments (and choices) leading up to bigger moments.”

Nagtala ng 18 points, 12 rebounds at 4 assistst nang senglutin ng Elasto Painters ang San Miguel Beer kagabi sa 46th PBA 2021 Philippine Cup elims sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.