Abante Tonite Interactive

Model ang peg mukha namang bangkay

604

Hi po. Wanna share this neighbor na mukhang nasobrahan na yata sa pag­re-reduce para raw maging sexy. But look, para na siyang bangkay sa sobrang reduced.

Ano ba ‘yun, sobrang slim na siya. Nakakatakot lang na baka ‘pag lu-makas ang hangin ay ta­ngayin na siya sa himpapawid. Sa lagay na ‘yon eh proud pa siya na ganu’n siya ka-slim. Dream daw kasing maging model nun dahil ganu’n daw talaga ang mga model, slim ang katawan.

Pero ‘di naman pang-model ang dating niya. Para siyang malnourished na kailangang dalhin sa health center. Dapat bitbitin na siya sa doktor ng mga kamag-anak niya para mismong doktor na ang magpayo sa kanya na ‘di na tama ang ginagawa niyang pagdidiyeta.

Hay talaga naman, tipong gagawin niya yata ang lahat matupad lang ang dream niyang maging model. Nakausap ko nga ang isang kapatid niya, ganu’n daw talaga eversince ang sis niya. Hindi raw talaga mahilig kumain. Konting gulay-gulay lang at halos hindi nga raw nagra-rice.

Naospital na nga raw ‘yun dati dahil naman sa fasting. Akala raw kasi niya maganda iyun. Eh panay-panayin daw ba naman ang fasting eh ‘di ospital ang inabot niya.