Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Modelo nagwala, sinapak traffic enforcer

0 723

Inatake ng isang 26-anyos na babaeng motorista ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na nanita sa kanya sa isang traffic violation, kahapon ng tanghali sa Malate, Maynila.

Binitbit sa tanggapan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ang babae na nakilalang si Pauline Mae Altamirano, modelo at residente ng Tres Palmas, Taguig City.

Nabatid na pinara si Altamirano ni traffic enforcer Marcos Anzures Jr. dahil umandar umano siya kahit nakapula pa ang stop light.

Nang hingin ang lisensiya ay walang maipakita ang babae.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa video na inilabas ng Manila Public Information Office, makikitang bumaba ang modelo sa kanyang sasakyan na kulay puting Fortuner, at hindi nito tinanggap ang citation ticket pero kalaunan ay pinagsasampal ang awtoridad at pilit hinahablot ang ticket.

Dito na siya dinakip at dinala sa tanggapan ng SMaRT para sa imbestigasyon.

Si Altamirano ay kakasuhan ng direct assault, driving without license at disobedience to a person in authority. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.