Abante Tonite Interactive

Modelong dyowa umalma Carlo ‘di inahas kay Angelica

601

Nagsalita na si Trina Candaza, ang modelong umano’y karelasyon ng Kapamilya actor na si Carlo Aquino sa kanyang social media account.

Ito ay kaugnay ng pamba-bash na kanyang natatanggap sa mga CarGel fan na dismayado dahil sinira raw nito ang kanilang ilusyon na magkabalikan ang kanilang mga idolo.

Ani Trina, ayaw niyang magpaka-nega sa mga ipinupukol na isyu sa kanya.
Hirit niya: “I just really felt the love of the people around me, thank you, I really appreciate everything. It just makes me feel better everyday knowing that I’m being surroun-ded with good people too.”

Nauna rito, ipinagtanggol si Trina ng kaibigan niyang si Sofia Romero na nagsabing never na inahas nito si Carlo kay Angelica dahil kahit pa noong ginagawa ng dalawa ang “Exes Baggage” ay nagdi-date na ang mga ito.

Dahil sa rebelasyong ito, muling naungkat ang pagiging playboy at two-timer diumano ni Carlo na kahit na sa kanyang mga ex ay mga pinagsasabay ito.

May ilan ding nakikisimpatiya kay Angelica dahil obvious daw na ginamit lang ito ng binata para sa kanyang career.

May mga nagtanggol naman kay Carlo na nagsabing ‘aware’ raw naman si Angge na sa estado ng kanilang relasyon ng aktor at never daw naman nitong sinabing gusto niyang makipag­balikan sa aktres.