Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Modelong nanakit ng traffic enforcer, 3 pa positibo sa droga

0 338

Nagpositibo sa isinagawang drug test ang babaeng motorista at tatlo pa niyang kasama na naaresto ng mga operatiba ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) at Drug Enforcement Unit ng Manila Po­lice District (MPD).

Ito ang nabatid nitong Sabado kay Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng MPD-SMaRT, matapos na lumabas ang resulta ng drug test.

Nalaman rin na inamin umano ng suspek na si Pauline Mae Altamirano alyas ‘Maria Hola Sy’, 26, model, at na­ninirahan sa Tres Palmas, Taguig City, na ang dala niyang 5 gramo ng shabu ay hindi umano niya ibebenta kundi ipag­papalit sa high-grade marijuana.

Nakadetine pa rin sa SMaRT si Al­tamirano at mga kasama niyang sina Rendor Sanchez, 30; Jason Dela Cruz, 29; at Marlon de Guzman, 29, pawang mga taga-Calamba, Laguna.

Kinasuhan rin ng paglabag sa Com­prehensive Dangerous Drugs Act sa Ma­nila Prosecutor’s Office ang mga suspek.

Sabi ni Altamirano, nakuha niya ang droga sa isang Chinese national na itinago ang pagkakakilanlan bunga ng nakatakdang follow-up operation.

Unang nahuli ang suspek dahil sa beating the red light sa Osmeña High­way. Dahil walang maipakitang driver’s license ay bumaba si Altamirano ng sa­sakyan at sinampal, sinuntok at kwinelyuhan ang traffic enforcer. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.