Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Modelong nanapak buking sa drug courer

0 791

Nadagdagan ang kaso ng babaeng motorista na nanakit ng traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos makuha sa kanyang bag ang 2 sachet ng shabu na ikinaaresto rin ng apat na kasabwat umano sa pagtutulak ng shabu sa hiwalay na operasyon ng Manila Police District (MPD) kahapon sa Ermita, Maynila.

Ayon kay PCol Rosalino Ibay, hepe ng Special Mayor’s Reaction Team, unang nakuha sa bag ng suspek na si Pauline Mae Altamirano alias Maria Hola Sy, 26, model at taga-Unit 8E, Tres Palmas, Taguig City ang 5 gramo ng shabu.

Dito na pinakuha ni Ibay ang cellphone ni Altamirano at nakita ang mga larawan nitong gumagamit pa ng shabu at paghingi ng saklolo sa mga naaresto para makuha ang kanyang bag na naglalaman ng shabu. Hindi alam ng mga suspek na pulis na ang mga kausap nila.

Nagawa ng SMaRT na makipag-ugnayan sa MPD-DEU at nagsagawa ng hiwalay na operasyon laban kina Rendor Sanchez y Esqueta, 30; Leopoldo Salamero y Melliza, 20; Jason Dela y Soriano, 29; at

Marlon De Guzman y Acueza, 29, pawang taga-Calamba, Laguna.

SM food to go Banner Ad

Nakipagkita ang mga pulis sa mga suspek alas-3:45 ng hapon para isagawa ang buy bust sa may Ermita, Maynila at dito na nakuha ang 5 gramo ng shabu na nagkakahalagang P34,000.

Isasailalim sa drug test si Altamirano at ang apat na kasama na sasampahan ng kasong paglabag sa Sec 11 at 26 ng RA 9165 sa Manila Prosecutors Office.

Naunang nahuli si Pauline Mae Altamirano, 26-anyos na model, matapos bugbugin ang traffic enforcer na si Marcos Anzures sa bahagi ng Malate.

Samantala, pinatuluyan nang sampahan ng demanda ni Mayor Isko Moreno sa Manila Prosecutors Office ang nag-viral na babaeng motorista. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.