Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Moderna, AstraZeneca ‘di na tumatanggap ng order

0 55

Target umano ng mga pribadong sektor na makakuha ng vaccine dose ng American company na Novavax kaugnay ng hinayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hindi na tumatanggap ng order ang AstraZeneca at Moderna dahil wala nang maibigay ang mga ito.

Gaya ng Novavax, isa ring American firm, ang Moderna habang British pharmaceutical company ang AstraZeneca.

“Yung AstraZeneca rin wala nang ma-supply. ‘Yung 17 million, ‘yun na ‘yung huling order. Kinausap ko sila sa batch 3, ayaw na nila kasi talagang kulang na kulang ang supply nila sa Europe,” ani Concepcion sa briefing.

“So dito na lang sa Novavax, isang magaling na vaccine ang puwede. Habang maaga pa, mag-order na sila,” aniya. Dagdag nito, sa pamamagitan din ng tripartite agreement sa national government ang pagkuha ng mga bakuna mula sa Novavax at marami na aniyang kompanya ang interesado rito.

Samantala, sinabi naman ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na walang epektosa vaccination program ng bansa ang hindi na pagtanggap ng order ng mga producer. Aniya, nag-uusap na ang mga local government at pribadong sektor para masiguro ang 10 milyong vial mula sa Novavax. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.