Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Moderna humirit ng EUA sa virus bakuna

0 221

Inanunsyo ng Food and Drug Administration (FDA) ang paghahain ng aplikasyon ng isang American pharmaceutical company para sa emergency use ng kanilang bakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, nitong Lunes lang inihain ng Moderna ang kahilingan sa kanilang ahensiya na mabigyan ng emergency use authority o EUA para sa bakunang gawa ng naturang kompanya.

Nabatid pa na mayroong 200,000 dose ng Moderna vaccine ang inaasahang darating sa bansa sa Hunyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.