Abante Tonite Interactive

Modernization ng jeep tanggap sa Baguio

181

Tanggap ng mga Jeepney Operators at Drivers sa Baguio City ang jeepney modernization program ng Department of Transportation and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (DOTr-LTFRB).

Personal na inindorso ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang bagong mga unit na iniharap sa kanya ni Atty. Vigor Mendoza II, Taga­pangul­o ng Kilusan sa Pagbabago sa Industriya­ ng Transportasyon (KAPIT) sa simpleng pagtatanghal noong Biyernes hapon.

“Mabuti ‘yan alisin na natin ‘yung mga jeep na running coffins, importante friendly at non-pollutant­s higit sa lahat gusto ng aming mga drivers at operators dito sa Baguio ang mga units na ‘yan bukod sa pasado sa lahat ng safety requirements local or international,” ani Mayor Domogan.

Siniyasat at sinuring mabuti ni Mayor Domogan, kasama ang mga lider ng transport group, operators at drivers sa Baguio City ang pitong bagong sasakyan upang matiyak ang kalidad ng mga bagong jeep.

Tonite – Wendys Inhouse Ad