Abante Tonite Interactive

Modified lockdown tinulak ng solon

805

Itinulak ni House committee on transportation chairman at Samar Rep. Edgar Sarmiento ang modified lockdown at ang pagtatatag ng `COVID-free zones’ pagkatapos ng April 14 deadline ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa gitna ng coronavirus pandemic.

Aniya, dahil ikinukundera ng gobyerno ang pagpapalawig ng ECQ na magtatapos sa Abril 14, minungkahi ng mga mambabatas sa Kamara na magpatupad ng modified ECQ upang makagalaw ang mga lugar na may maliit na kaso ng COVID at maibalik ang negosoyo at transportasyon bagamat sarado pa rin ang mga border ng bawat lugar .

“ The modified lockdown proposal will have areas that would remain under ECQ but we will also have areas that will be allowed to open businesses and allow their residents to go back to their normal lives,” paliwanag nito.

“These areas will maintain a closed border and continue to observe social distancing as extra precaution,” sabi ni Sarmiento.

Pinaliwanag nito na sa pag-aalis ng lockdown sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID, papayagan ang unti pagbabalik ng mga negosyo at normal na operasyon habang naka-isolate ang mga lungsod at mga hotspot na lugar.

Aniya, maraming probinsiya, lungsod at munisipilad na sakop ng ECQ ang nanatiling COVID-free at kung mapapanatili ang mga umiiral na protocol, ligtas na alisin ang quarantine .

Base sa datos ng Department of Health (DoH), nasa 105 mula sa 771 mga city at municipality sa Luzon ang may COVID-19 case. Sa 40 probinsya sa buong Luzon kasama ang National Capital Region (NCR), nasa 23 ang mga kaso ng COVID case na karamihan ay may isa o dalawang kaso.

Kasama sa mga COVID free zone ang Ilocos Sur, Ilocos Norte at Kalinga Apayao na wala pa umanong naitatalang kaso sa kasalukuyan . ( JC Cahinhinan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad