Abante Tonite Interactive

MODOK bagong kontrabida sa Ant-Man 3

353

Posibleng isa sa tanyag na Marvel villain ang masasaksihan sa ‘Ant-Man 3’.

Ito’y kung susundin ang script ng actor at writer ng pelikula na si Paul Rudd, na sa draft ng script ay kasama si MODOK.Pati na rin ang kanyang samahan na AIM bilang pangunahing kontrabida sa ikatlong installment ng Marvel saga.

Malaki ang posibilidad na matuloy ito, lalo’t sa dalawang naunang ‘Ang-Man’ film ay kasama si Rudd sa screenplay, gayundin sa writing ng ikalawang pelikula.

Si MODOK (Mental Organism Designed Only For Killing) ay dating empleyado ng AIM. Dahil sa labis nitong katalinuhan ay sinailalim ang sarili sa isang experiment na nagkaroon siya ng sobrang laking ulo, at kailangang umupo sa floating chair para makagalaw.

Samantala, ang AIM naman ay unang na-feature sa ‘Iron Man 3’, at inaasahang lumabas din sa ‘Black Widow’ film.

Bukod pa dito, imbes na Fantastic 4 ay may tsansa rin na masilayan ang Young Avengers sa ‘Ant-Man 3’.Ilan sa mga posibleng makasama ay ang anak ni Ant-Man na si Cassie Lang, Kate Bishop na anak naman ni Hawkeye, at Wiccan & Speed na supling naman nina Scarle Witch at Vision. (RP)

Tonite – Wendys Inhouse Ad