Abante Tonite Interactive

Modric pumalag, Croatia ibinaon ang Nigeria

1,149

Mas kilala sa depensa si Luka Modric, pero nitong Sabado sa World Cup sa Kaliningrad, Russia ay nilabas din ang opensa para itulak ang Croatia sa 2-0 panalo kontra Nigeria.

Umiskor muna ng isang goal ang Croatia midfielder bago inihulma ang isa pa.

Kinatik ni Modric ang bola sa kanto, sabay sinundan ng header ng dalawang teammates sa 32nd minute. Palayo ang bola, natapik naman pabalik sa net ni Nigeria midfielder Oghenekaro Etebo.

“We scored at the perfect moment,” bulalas ni Modric. “After the first goal we started creating chances.”

Sa 71st, ibinaon ni Modric ang goal niya mula sa penalty nang pigilin ni William Ekong si Mario Mandzukic.

Humihirit din si Nigeria coach Gernot Rohr ng penalty.

“There were also so many fouls in the other box, they could have also given a penalty for us,” giit ni Rohr.

Isang oras na sa match bago nasilip ng Nigeria ang net, pero hindi lumusot kay Croatia goalkee­per Danijel Subasic ang header ni Odion Ighalo.