Abante Tonite Interactive

Modus ng manlolokong recruiter (2)

248

Paano nga ba makakaiwa­s na mabiktima ng mga manlolokong recruiter? Hindi­ na kinakailanga­n pa tumungo sa POEA upang mag-verify ng mga license at job order­ ng isang recruitment agency. Ito ay pwede na gawin online sa pamamagitan ng officia­l website ng POEA na pwede makita sa inyong mga cellphone o computer.

Paano nga ba makakaiwa­s na mabiktima ng mga manlolokong recruiter? Hindi­ na kinakailanga­n pa tumungo sa POEA upang mag-verify ng mga license at job order­ ng isang recruitment agency.

Ito ay pwede na gawin online sa pamamagitan ng officia­l website ng POEA na pwede makita sa inyong mga cellphone o computer. Narito ang paraan ng paggamit ng search engine ng POEA:

1. Buksan ang web browser tulad ng Google Chrome, Safari­, Firefox, o Interne­t Explorer.

2. I-type sa web address­ ang official website ng POEA: www.poea.gov.ph

3. Para mag-verif­y ng status ng license ng recruitment agency, hanapin ang ‘Status of Recruitment Agencies’ box sa home page ng POEA website.

4. Ilagay sa search box ang pangalan ng agency na inyong aaplayan. Tandaan­, wrong spellin­g is wrong. Kailangan eksakto ang bawat letr­a ng pangalan ng agency upang makita ito sa kanilang database.

5. Hintayin ang resulta ng search engine. Maaari lang aplayan kung ang status ng license ay ‘good standing­’. Iwasan mag-apply sa mga ahensiya­ na suspended, cancelled, delisted, o forever banned.

6. May iba’t ibang paraan upang mag-verif­y ng mga Job Order ng isang lisensya­dong ahensiya. Ito ay sa pamamagitan ng country o bansa, pets­a kung kailan na approve ang job order, ahensiya­, o position. Hanapin lamang ang ‘Approved Job Orders of Licensed Recruitment Agencies’ box sa home page ng POEA website.

7. Dito lalabas ang resulta ng inyong paghahanap ng job opening base sa country­, position, agency, date approved, at Job Order balance.

8. Kapag hindi­ luma­bas ang pangala­n o job order, o hindi­ good standing ang status ng ahensiya sa search engine ng POEA, isa na itong senyal­s na maaring illega­l recruiter ang inyong katransaksyon. Iwasan ang pagpapaniwala sa mga job opening sa Facebook page na nagpapanggap na ito ang official page ng POEA.

Ang official pages lamang ng POEA ay ang mga sumusunod: www.facebook.com/mypoea at www.facebook.com/poea.officialMaaari din tumawag sa mga POEA hotline: 02-722-1144 o 722-1155 o email info@poea.gov.ph

Mag-ingat, maging matalino at iwasan na mabiktima ng mga illegal recruiter at human trafficker. Kapag hindi sigurado, magtanong sa Embahada, POEA, POLO, at pwede rin sa programang Radyo OFW.Verse of the day:

“There are no secrets to success. It is the result of preparation, hard work, and learning from failure.”  – Colin Powell

***

Makinig sa ‘Radyo OFW’ 8:00-10:00pm tuwing Lunes-Biyernes sa Radyo Pilipinas 738 AM, Facebook live: www.fb.com/Radyo­OFW Email: radyo­ofw@gmail.com