Abante Tonite Interactive

Modus operandi ng budol-budol gang, winakasan ng kapulisan

By
584

Nabiktima rin ng grupo si Teresita Long Tadena sa Barangay Kaligayahan, Quezon City noong Marso 5, 2018 kung saan nawalan siya ng P50,000 at Josefina Movida noong Pebrero 6, 2018 na nakuhanan ng P100,000 habang naglalakad siya sa Frisco, Balintawak, Quezon City.

Sina Florencia Angeles Borja at Amando Salvacion ay nabiktima ng grupo noong Pebrero 14, 208 at Enero 30, 2018. Si Borja ay nakuhanan ng P470,000 cash at P70,000 halaga ng alahas sa Boni Avenue, Mandaluyong City habang P100,000 at gadgets na nagkakahalaga ng P24,000 ang nawala kay Salvacion nang mabiktima siya ng grupo sa harapan ng Monte Vista Heights Subdivision sa Ortigas Avenue Extension, Taytay, Rizal.

Hindi naman tumigil ang kapulisan sa pagmamanman sa grupo ng budol-budol gang lalo na’t mahigpit ang naging direktiba ni Valenzuela­ Police Chief Senior Supt. Rolando Mendoza na isagawa na ang pag-TUGIS sa mga may kagagawan ng panloloko sa mga senior citizen na kadalasan ay sa nagaganap sa kanilang lungsod.

Lahat ng mga detalye, pati na ang kuha ng close circuit television (CCTV) camera ay kinalap ng mga tauhan ni Senior Insp. Jose Hizon, partikular sa mga lugar na madalas mangyari ang pag-aabang ng grupo. Sa kuha ng CCTV, nakuha ng pulisya ang plate number ng Toyota Revo na WTP-185 na madalas gamitin ng grupo sa kanilang pambibiktima.

Noong Abril 2, 2018, habang nagsasagawa ng monitoring at surveillance operation sina Senior Insp. Hizon, kasama sina SPO1 Hoover Ireneo, PO3 Jayson Lim, PO3 Leonardo Lim, PO2 Jeffrey Noceda, PO1 Raymond Evangelista at PO1 Analiza Alfao sa kahabaan ng G. Lazaro Street, Dalandanan, Valenzuela City dakong alas-2:30 ng hapon, namataan nila ang isang may katandaan na ring babae na kalaunan ay nakilalang si Carmen Balucatin na sumasagsag at tila nahihintakutan.

Nang mamataan sila ng ginang, kaagad itong humingi sa kanila ng tulong at sinabing pinagnakawan siya ng P3,000 ng mga taong nakasakay sa kulay silver na Revo. Hindi na nag-aksaya ng panahon sina Senior Insp. Hizon at kaagad nilang hinabol ang sasakyan na kaagad ding naabutan sa barangay Dalandanan.

Positibo namang kinilala ni Balucatin ang pitong katao na nakasakay sa sasakyan na nambiktima sa kanya at pilit na hinihimok siyang mag-withdraw ng malaking halaga ng salapi sa bangko.

Nakilala ang mga suspek na sina Rosalie Ramirez, 49, ng 280 Kalinisan St. Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City; Andy Dela Cuesta, 34, ng Phase 2 Block 50 Lot 7 Park Lane Subdivision Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite; Felix Serrano, 43, ng Blk 13 Lot 16 Brgy. San Dionisio, Area 1 Dasmariñas, Cavite; Rogelio Barcelo, 49, ng Balungbato Gen Luis St. Novaliches, Quezon City; Rizalyn Hernandez, 41, ng 162 Tambo, Parañaque City; Gina Dela Cruz, 60, ng Brgy. Tambo; at Ireneo Lapuz 52, ng Balimbing Drive, Imus, Cavite.(Sundan bukas)