Abante Tonite Interactive

Modus operandi sa BOC nalansag, 5 arestado

By
968

Arestado ang limang miyembro ng isang modus operandi kung saan ginagamit sa raket ang pagbebenta ng murang sasakyan na ilalabas sa Bureau of Customs (BOC), sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Police Station 5 kamakalawa ng hapon sa Intramuros, Maynila.

Kinilala ni MPD-PS5 C/Insp. Paulito Sabulao ang mga suspek na sina Rombert de Guzman, alyas “Rombie de Guzman”, 35-anyos, taga-128 Daetal Compound, Pulilan, Bulacan; Anton dela Cruz, 30, ng 586 Yata Padre Rada St., Tondo; Ignacio Luna, 28, taga-117 Velasco St., Caloocan City; Gilbert Victoria, 47, ng 1481 Pilapil St., Tondo; at Ronald Maglente, 42, taga-1164 Mabuhay St., Tondo.

Habang pinaghahanap pa ang dalawa pa nilang kasabwat na sina Romulo Muring at Constantino Gona.

Inireklamo ang mga suspek sa MPD-PS5 ng mga biktimang sina Richard Sanchez, 34-anyos, taga-743 Pampanga St., Tondo; at Jerome Cabural, 34, ng 1217 Meding St., Malate, Maynila.

Nabatid na si De Guzman ay nagpapanggap na empleyado ng BOC na kunwari ay contact ng grupo.

Natuklasan ni Sanchez na hindi empleyado ng BOC si De Guzman kaya’t agad na nagtungo sa MPD-PS5 para magreklamo dahilan para ikasa ang entrapment operation.