Abante Tonite Interactive

MOI, HOPIA KAY RICHARD QUAN

By
Moi Bien
62

HAVEY: ­Espesyal na masaya, senti at ­revealing ang episode namin noong Sabado sa LEVEL UP: SHOWBIZ SATURDATE.

Maliban sa ­unang panayam ko sa mahal nating Megastar ­Sharon Cuneta na na­nga­ngailangan ng suporta hindi lang sa pelikula niyang Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na palabas na sa commercial cinemas sa September 6, nakikiramay ulit tayo sa pagkamatay ng first cousin ni Senator Kiko na si Mitch Roa na malapit kina Sharon at Kiko.

Nakadagdag pa ito pinagdaraanang per­sonal ni Shawie na sinusuportahan na lang natin sa pamamagitan ng dasal.

Sinabi ni Direk Mes de Guzman na may dinagdag silang portions at elemento sa ­pelikula kaya mas may brilyo at nakakaaliw raw itong ­Director’s Cut kaysa sa napanood noong Cinemalaya.

Umaasa si Moi Bien na kapag naipalabas na ang pelikula, mapanood siya ng pamilya niya sa probinsya at maging proud sa kanya.

Richard Quan
Richard Quan

Sana rin, maliban sa dagsa ng projects, magkaroon na siya ng dyowa soon.

Kung noong ­shooting ay hindi raw siya na-type-an ni Kiko Matos dahil may girlfriend ito, type ni Moi si Richard Quan daw na very much available daw.

As for Niño Muhlach, masaya ‘yung revelation niya about the Chorizo de Muhlach na hindi kalakihan pero masarap at hahanap-hanapin mo.

Napag-usapan na ­sobra siyang lumuha noon nang hindi niya makita ang anak niya kay Edith Millare na soon enough, natagpuan na rin niya.

Sobra raw niyang swerte sa asawa niyang si Abby Tupaz at sa anak nilang si Alonzo.

Tinanong ko kung sino sa mga ­showbiz girlfriends niya ang pinaka­iniyakan niya, ang mabilis niyang sagot ay si Beth Tamayo.

Niño Muhlach
Niño Muhlach

Na-link siya iba pang girls like ­Marjorie ­Barretto, Cathy Mora & Ynez Veneracion, pero kay Beth siya major-major na lumuha dahil mahal na mahal niya ito at nagawa niya itong saktan.

Pinagsisihan ni Onin ang karupukan niya noong kabataan at ultimo kaibigan ni Beth na ­tinulungan niya sa El Niño Apartelle noong may time na problema ito ay nagka-something sila.

“Mali ko talaga ‘yun! Kaya hanggang ngayon, cargo ko ‘yun kasi noon, si Beth talaga ang plano kong pakasalan.

“Baka it wasn’t really meant to be,” sabi ng ­dating child wonder.

“At least, inayos ng Diyos lahat. OK kami ni wife ko na si Abby,” pagwawakas ni Onin na sa pangungulit namin sa radyo.

Lumabas din ang pangalan ng kaibigan ni Beth na naka-fling niya — isang Abby rin, Abby ­Viduya aka Priscilla Almeda.

Bagong-bagong throw­back, di ba?