Abante Tonite Interactive

Moi, walang pagnanasa kay Piolo

By
17

HAPPINESS overload ang co-anchoring expe­rience ko sa Level Up, ang radio program ni kapwa Abante TONITE columnist Noel Ferrer.

Masaya pala ang live radio program show, kasi, spontaneous ang batuhan naming dalawa.

Guided kami by a script pero ‘yung exchanges namin, hindi scripted, natural na natural at walang patumanggang tawanan kaming dalawa.

As of this writing, 1,400 plus views na ang video that Noel shared.

Ang hindi ko makakalimutan sa guesting, kung gaano unassuming at humble ang comedienne on the rise na si Moi Bien.

Kahit pala sa perso­nal, kwela ang hitad. Wala siyang pagnanasang nararamdaman para kay Piolo Pascual.

Kahit pa nakikita niya itong naka-hubad baro at kung minsan in his ­skivvies, kapatid ang turing niya kay Papa P.

Tunay na platonic ang kanilang relasyon.

Pramis niya, wala siyang kahit na anong malisyang nararamdaman para sa ultimate heartthrob.

***

Mas guapo ngayon si Richard Quan, mas na­ging artistahin ang kanyang aura.

Kaibigan ko si Quan kaya nang sinabi niya sa akin na pumayat ako, not once but twice for emphasis, nanalig ako dahil alam hindi siya bolero.

Nakakaganda talaga ang black dress mula sa Natori. Kung hindi ninyo kilala ang brand na Natori, hay naku, wala na akong magagawa sa inyo.

***

Ang pinakabonggang big reveal that night, ang pag-amin ni Niño Muhlach, na ang Chorizo de Mulach niyang maliit, pero katakam-takam at hahanap-hanapin mo.

Ang Muhlach chorizo raw ang agimat ng mga Muhlach kaya ang mga babes, love, love, love sila.

Aside from his humor and candor, alam na alam mong matalino si Onin.

‘Yung views niya on showbusiness in parti­cular at ang buhay na­ting lahat sa kasaluku­yan in general. alam mong well thought of at coming from his heart.

Hindi na siya Boy Wonder of Philippines showbusiness. Siya na si Mister Wonderful.