Abante Tonite Interactive

Molde, Carlos angas ng UP

178

Handa nang ipakita ng University of the Phili­ppine Lady Maroons ang puso at katatagan sa pagsambulat ng UAAP Season 82 Women’s Indoor Volleyball Tournament 2020 sa Sabado, Pebrero 15.

Malaking kawalan sa line-up ng Diliman-based squad ngayong taon ang pag-graduate nina setter Ayel Estranero at hitter Marian Buitre.

Ngunit, kasama ang kanilang nagbabalik na veterans na sina Isa Molde, Tots Carlos, Justine Dorog, Maristela Layug, Rem Cailing at Jessma Ramos, handa na silang rumagasa sa torneo.

Nagpakondisyon ang State U kasama ang ilang club teams kaya sila positibo na mangu­nguna sila para itaas ang kampo ng mga Iskolar ng Bayan sa liga.
Sa nakaraang season, bigong makapasok sa Final Four ang mga balibolista ng Katipunan kaya tumodo sa pagha­handa para sa matin­ding balikwas.

Nagkaroon pa ng 10-day training camp ang Fighting Maroons sa Japan bilang bahagi ng kanilang preparasyon, na ayon kina coach Godfrey Okumu at bagong team captain Roselyn Rosier magandang puhunan sa asam nilang kampeonato.

Unang tinik ng Peyups ang UE Lady Warriors sa Peb. 15 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay. (Janiel Abby Toralba)