Abante Tonite Interactive

Molde, Carlos pipigilan si Palomata, Air Force

203

Mga laro ngayon: (The Arena, San Juan)
2:00 pm – Pacific Town vs Chef’s Classic
4:00 pm – Creamline vs BaliPure
6:00 pm – Motolite vs Air Force

Tutok ang marami kina Dell Palomata, Diana Mae ‘Tots’ Carlos at Ma. Lina Isabel ‘Isa’ Molde pukpukang PH Air Force-Motolite sa 3rd PVL Open Conference 2019 elims mamayang alas-6:00 nang gabi sa The Arena, San Juan City.

Ihahataw ulit ni Palomata ang nasa pang-anim na Lady Jet Spikers (3-6)na pahabain pa ang 3-game winning streak, huling binomba sa straight sets ang Pacific Town Army na rito’y rumatsada ang 6-foot-3 middle blocker ng game-high 20 points sa likod ng 17 attacks at 3 blocks.

Nasa kukote rin ni Palomata na resbakan ang first round tormentor na nagpabagsak sa kanila nitong Agosto 28, 25-14, 25-18, 25-23.

Pantapat ng Motolite ang UP tandem nina Molde at Carlos na huling nanalasa sa Power Builders nang ngasabin ang Choco Mucho nitong Linggo kung saan humampas sila ng tig-23 markers.

Sa pangalawang laro, ipagpapatuloy ni Jia Morado ng league-leding defending champion (9-0) ang pag-set play laban sa pumapangwalong BaliPure Purest (0-8) sa alas-4 ng hapon.

Paluan naman din ang 5th-running Pacific Town Army (4-4) at win-less pa sa 8 games na Chef’s Classic sa alas-dos ng hapon. (Aivan Denzel Episcope)