Abante Tonite Interactive

Mommy Divine pera ang habol kay Sarah — Popsters

7,503

Mukhang pera ang tingin ng mga netizen sa ina ni Sarah Geronimo matapos umano nitong tangkaing pigi­lan ang kasal ng anak kay Matteo Guidicelli hangga’t walang prenuptial agreement.

Nahaluan ng aksyon ang dapat sana’y romantic na kasal nina Sarah at Matteo nang sapakin umano ng huli ang close-in security ng una na kinilalang si Je­remy Tamara. Inakusahan diumano ang bodyguard na nagsumbong kay Mommy D tungkol sa secret wedding nila.

Kaya ang ending, si Mommy Divine ang lumabas na kontrabida dahil hindi ito imbitado sa kasal ng anak at sumugod ito sa Shangri-La sa Bonifacio Global City sa Taguig kung saan diumano naganap ang civil wedding ng AshMatt noong Pebrero 20.

Unang nalungkot sa pangyayari ay ang popsters na excited nang lumagay sa tahimik ang kanilang idolo.

Sa kabila nito, may iba pa ring nainis sa ginawa ni Mommy D at kinuwestiyon kung bakit ayaw pa nitong pabayaang lumigaya ang anak na si Sarah na 31 taon naman daw inilaan ang buhay sa kanila. Binuska tuloy nilang ‘Divine Intervention’ ang nangyari.

“This Sarah G, Matteo, Mommy Divine issue is ma­king me feel sad. I remember Heart and Chiz’ wedding. Hindi din dumalo parents ni Heart kasi ayaw din nila kay Chiz, but look at Heart, she’s very happy right now with her husband,” ani @cahucomjd.

“#FreeSarahG from evil witch mommy divine ????ano bang abuso ‘yan di pa ba sapat yung na gene­rate ni sarah na pera para sainyo?” ani @oswinkittycat.
“Sarah G keeping her wedding from Mommy Divine just proves how controlling she is especially at her age. Thirty fucking one everybody!!!” comment ni @Iinscoresby.

“Save your rants Mommy Divine I’m #AshMatt on this one, Sarah is really a good role model to us, she will always be. And matteo is her husband now.

Let sarah live her fairytale s mahal ka nang anak mo, bigay mo na to sa kanya,” payo naman ni @louhontas.

“Parang ginawang ‘Investment’ si Sarah G. ni Mommy Divine ah?” tanong ni @madamtia8720.

“Dear Mommy Divine, Let her go. She deserves all the happiness in the world for being a good daughter and good provider for your whole family. Huwag kang ma­ging madamot sa anak mo dahil hindi siya naging ma­damot sa family niyo,” giit naman ni @coldKingKong1.

Nauna nang napabalitang iginigiit diumano ni Mommy D ang prenup bago ang kasal ng AshMatt. May pinapipirmahan diumano na kasulatan na inililipat ang lahat ng asset ni Sarah sa mga magulang nito.

Habang sinusulat ito, wala pang reaksyon ang kampo ng mga magulang ni Sarah sa mga akusasyong ibina­bato laban sa kanila. (Issa Santiago)