Abante Tonite Interactive

Mommy Divine wedding crasher

4,414

Wedding crasher ang peg ng madir ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine nang bigla itong sumulpot nang uninvited sa kasal nina Sarah at Matteo Guidicelli.

Yes, natuloy nga ang nasabing kasal sa Shangri-La BGC nong Thursday night at sa ayaw at gusto ni Mommy D ay isa nang ganap na Mrs. Guidicelli si Sarah G.

Kalerky ‘yong mala-pelikulang eksena na umapir bigla sa nagaganap na hush-hush civil wedding si Mommy Divine at gustong kausapin ang anak niya.

Nahaluan ng aksyon ang dapat sana’y romantic na wedding scene nang sapakin umano ni Matty sa lalamunan ang close-in security ni Sarah dahil ito raw ang nagsumbong kay Mommy D ng tungkol sa kasal.

Kalukring! Eh ganon talaga ‘pag kontrabida ang dating mo, hindi ka imbitado dahil kontra ka nga, ‘di ba?

Ang balitang present sa wedding ay ang pamilya ni Matteo, na eversince ay love na love si Sarah.

Ang tanong: Napapirmahan kaya ‘yong sinasabing prenup na iginigiit daw ni Mommy Divine bago ang kasal ng AshMatt?

May pinapipirmahan din daw na kasulatan na inililipat umano ang lahat ng assets ni Sarah sa mga magulang nito.

‘Yon umano ang dahilan kung bakit hindi nakikipag-cooperate ang kampo ni Sarah sa wedding preparations at kaya ayaw nilang dumalo sa big wedding.
True kaya ‘yon at pi­nirmahan nga kaya ni SG?!

Ano’t anuman ay super na-happy ang AshMatt fans dahil natuloy ang civil wedding at legal nang mag-asawa ngayon ang dalawa.

As in against all odds ay nanaig pa rin ang pag-iibigan ng AshMatt.

PAK!!

John Lloyd, Maricel dawit sa ermat ni Geronimo

Reynang-reyna si ‘Mommy Divine’ sa top spot ng tren­ding topics sa Twitter PH kahapon.

Nag-trend din ang ‘Sarah’, ‘Matteo’, ‘Mrs. Guidicelli’, #AshMatt, pati na ang ‘Ricky’ dahil vindicated na naman si Tito Ricky Lo sa wedding news nito, na pinagdudahan pa ng marami ‘yon pala ay totoo.

Although may ilang fans na sinisisi si Tito Ricky kung bakit daw kasi sinulat pa nito, ayon tuloy at nalaman ni Mommy Divine.

As if naman si Tito Ricky ang nag-utos kay Mommy D na gumawa ito ng eksena sa wedding.

Anyways, kahapon ay in-expect na namin ang maglalabasang memes kaugnay ng scene-stealing moment ng mother of the bride.

‘Yong mga ganong eksena ay ang daming puwedeng gawing punchline at ang sarap paglaruan, kaya ayon nga at kumalat agad ang kung anik-anik na version.

May sinasabing leaked footag­e daw ni Mommy Divine na kuha sa wedding, tapos ang mapapanood ay ‘yong classic scene ni Maricel (sa pelikulang “Filipinas”) na sumisigaw ito ng, “Walang Bagong Taon! Wala sa pamilyang ‘to ang magbabago!”

May Mommy D meme din na si John Lloyz Cruz ay sinisigawan si Ate Vi (mula sa clip ng movie na “In My Life”) ng, “Anak mo lang siya! Hindi mo siya pag-aari!”

O, ‘di ba, puwedeng idayalog ‘yon ni Matteo sa kanyang brand-new mother-in-law?

Ang dami ring version nong Mommy Divine daw as Maleficent (clip ng may sungay na Angelina Jolie sa movie) na hindi imbitado sa kasal ng anak nito.

Ang dami pang iba na tawang-tawa kami, pramis! Ha! Ha! Ha!

Lovi, Tony nag-eskrimahan ng dila

Nong surprise birthday party ni Lovi Poe ay nakiusap pa siya sa amin na huwag i-reveal na naging multo si Tony Labrusca sa movie nila with Marco Gumabao na “Hindi Tayo Pwede” dahil spoiler daw ‘yon.

Pero nong lumabas na ‘yong trailer ay ipinakita doon na naging ghost nga si Tony at napunta si Lovi sa friend nitong si Marco.

Napanood din namin sa trailer ‘yong bonggang laplapan nina Lovi at Marco, na kitang-kita na may kasamang dila ang mainit nilang halikan.

Hindi lang namin sure kung dila ba ‘yon ni Lovi o dila ni Marco.

Si Tony ay hindi na bago sa umaatikabong French kissing dahil nagawa na nila ‘yon ni Angel Aquino sa “Glorious”, so malamang may eskrimahan din sila ng dila ni Lovi.

Sa March 4 ang showing ng “Hindi Tayo Pwede” ng Viva Films na dinirek ni Joel Lamangan.