Abante Tonite Interactive

Momoland pasabog sa ‘Pinas

0 2,094

tonite-this-is-it-roldan-castro

Nagkakagulo ang mahihilig sa K-pop dahil naparating ng Frontrow ang Momoland para sa Fan Meet ngayong hapon sa ABS-CBN Vertis Tent.
Natawa kami dahil ang daming humihingi ng complimentary ticket sa president ng Frontrow na si RS Francisco at CEO Sam Versoza samantalang nu’ng una ay hindi sila naniniwala na mapaparating ang Momoland sa ‘Pinas.
Anyway, bukod dito ay humahataw rin ang Frontrow Cares.
Gaganapin naman ang charity music festival ng Frontrow Cares sa December 16 sa MOA Concert Grounds. Tampok ang Parokya ni Edgar, Spongecola, Callalily, pati na sina Ely Beundia, Billy Crawford, Gloc-9, Andrew E, Ex Battalion, Jake Zyrus at marami pang iba.
Sinusubukan din nilang kunin ang serbisyo ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, pero sey ni RS.
“But I didn’t want to ano pa, kasi parang may taping yata sila that day, tinanong ko na si Ogie.”
Anyway, affiliated ang Miss Universe beauty pageant sa Frontrow at nagkataong sa December 17 idaraos ang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand. Hindi na raw sila makakapunta dahil sa music festival.
Pero sasalubungin na lang daw nila sa airport dahil dara­ting dito sa ‘Pinas ang bagong mananalong Miss Universe.
Darating din sa bansa ang past Miss Universe winners na sina Iris Mittenaere ng France at Demi Leigh Nel-Peters ng South Africa.
Kasama siyempre sa mga aktibidades ng Frontrow at Miss Universe winners si Pia Wurtzbach na Miss Universe 2015.
Talbog!

Princess panghalina ng Batangas

Handang-handa na si Princess Garcia sa laban niya sa Tu­rismo Filipina. Siya ay 22 years old, Mutya Batangas 2015 at Miss Global Philippines 2016 Tourism Ambassador. Globe Ambassador din siya since 2014.