Abante Tonite Interactive

Momoland pinaghandaan ang pagta-Tagalog

By
172

tonite-annyeong-rose-garcia

Ang Momoland ang nagpasikat sa k-pop song na “Bboom Bboom.” Dahil sa single nila na ito, sila so far ang 2nd act na nakakuha ng platinum o 100 million streams sa Gaon Charts.

Nagkaroon ng press conference sa bagong bukas na Frontrow office sa Mother Ignacia .Nag-cut ng ribbon ang grupo kasama ang Frontrow President na si RS Francisco at Frontrow C.E.O. na si Sam Versoza.

Dinagsa na ito ng mga fan makita lang nila ang mga girls.

Kung pagbabasehan ang kuwento ni RS na naka-brunch ng Momoland girls kahapon, kahit daw sikat na sikat ang mga ito, typical teenagers pa rin sila na mga fun, loving girls.

Sa presscon proper, magiliw naman ang lahat at pinaghandaan din na makapagbigkas ng ilang tagalog words. Sa kanilang lahat, totoo nga na si Nancy ang pinaka-fluent sa English.

Si Nancy rin ang pinakakilala sa siyam na girls, lalo na sa bansa. In-acknowledge niya ang sinasabing pagkakahawig nila ng Kapamilya young actress na si Liza Soberano.

Ang Momoland na rin ang isa sa mga bagong global endor­ser. Mas gusto raw na tawagin nina RS as believers. Isa si Nancy sa sumagot nang tanu­ngin kung ano ang pakiramdam nila bilang bahagi na ng Frontrow.

Pakli ni Nancy, “Thank you for your love and trust. It’s such a warm welcome to us.”

Kung meron man daw best of being a Momoland member, ito ay ang nagagawa nilang i-share ang happiness nila sa lahat. Lalo na sa kanilang mga fan na ang tawag ay merries.

Kahapon din ginanap ang fan meeting ng Momoland sa Vertis North. Pero exclusive lang ito at selected 300 true “merries” among the employees of Frontrow.

Pero meron din na ilang random merries na binigyan ng libreng ticket para ma-experience ang grupo ng live.

Well, hindi na kami magugulat kung simula pa lang ito ng pagbisita ng Momoland sa bansa lalo na ngayon at bahagi na nga sila ng Frontrow.