Abante Tonite Interactive

Mon, KARMA ni Ynez

1,256

NASA second night ng burol ng yumaong actress/­producer na si Tita Donna Villa ang ex-showbiz couple na sina Ynez Veneracion at Mon Confiado.

Katsikahan namin si Mon nang napadaan sa harap namin si Ynez na bumati sa amin, pero dedma lang kay Mon.

Hmph! Hindi pa ba sila okey?
“Hindi! Okey na kami!” paglilinaw ni Mon.

Nagbatian na raw sila ni Ynez nang mag­kita sila roon bago pa man kami dumating.
Nang makiupo kami sa tabi ng dating sexy star, kinumusta namin siya.

“Okey naman, nagba­balik na rin ako sa ­akting! Pagkatapos no’ng special participation ko sa Tubig at Langis, inilagay naman ako ng ABS-CBN sa The Greatest Love bilang friend ni Sylvia (Sanchez),” sey ni Ynez.

‘Yung Muslim-politician na nakarelasyon ni Ynez at ama ng anak niya ay kaibigan pa rin niya kahit hiwalay na sila.

“He’s a good provi­der. Nagsusustento siya sa anak namin. Bale Muslim din ang anak ko kasi ‘yon ang gusto ng Daddy niya. Okey lang naman sa akin.

“Magkaibigan kami kahit naghiwalay kami noong one year old pa lang ang daughter namin,” kuwento ni Ynez.

Sila ni Mon ay friends pa rin at hinihiram din ng aktor ang kanyang anak.

“Mabait siya sa anak ko. Bukas nga, si Mon ang susundo sa bata sa school. May mga pagkakataon na hinihiram din niya ang daughter ko,” dagdag pa ni Ynez.

Naloka lang si Ynez na nag-dialogue sa kanya si Mon na ito ang ­KARMA niya.

“Sabi kasi ni Mon, sige lang, mag-boyfriend lang ako hanggang gusto ko, pero in the end of the day, kami pa rin daw ang magkakatuluyan.

“Sa kanya pa rin naman daw ako babagsak dahil siya ang karma ko. Ewan ko nga ba roon,” natatawang kuwento ni Ynez.

Umabot ng 9 years ang relasyon nila ni Mon, pero naloka siya nang ­bigla siyang ipagpalit nito sa isa pang sexy ­actress, pero hiwalay na rin ito at si Mon.

***

Marami ang happy sa paglipat ng Starstruck alumnus na si Enzo ­Pineda sa ABS-CBN.

Maganda ang exposure ni Enzo sa Till I Met You (na nag-­finale telecast na kagabi) bilang ka-“loveteam” ni JC Santos.

Marami ang “­kinilig” sa team-up nila ni JC at ang tsika, may ­pelikula na raw sila under Star Cinema kung saan ay may isa pang sikat na Kapamilya actress ang kasama nila at tila ­horror ito.

Tama lang na pagsamahin sila sa isang pelikula bilang “pagsakay” na rin sa “team-up” nila sa Till I Met You, ‘noh?!

***

Natawa kami sa komento ng isang showbiz-friend tungkol sa R16 version ng pelikulang Seklusyon.

Na-curious siya at pinanood iyon dahil ipapakita raw roon ang butt exposure ni Dominic Roque.

“Pero waley rin naman. Hindi ko nakita ang butt exposure ni Dominic, ‘yon pa naman ang ibinebenta ng publicist ng pelikula,” sey ng nakatsikahan namin.

Ang ikinatawa ­namin ay ang dialogue ng ­aming kausap na hindi rin “nagpakita” ang bida ng ­pelikula na si Ronnie Alonte.

“Gagah, wala namang sinabing may butt ­exposure sa Seklu­syon si Ronnie. Si ­Dominic lang ‘yung may ganoong ­promo!” sey ­namin.

“Hindi ­NAGPAKITA ng akting! Hahaha!” ­pagkaklaro ng kausap ­namin.

‘Kaloka! Kahit sa Vince & Kath & James ay waley rin daw akting si Ronnie, huh!