Abante Tonite Interactive

Mona Lisa pumanaw na

680

Yumao na ang veteran actress na si Mona Lisa sa edad na 97.

Dala ng katandaan ang kanyang pagpanaw nu’ng Linggo ng hapon.
Gloria Lerma Yatco ang ­tunay na pangalan ng aktres.

Matatandaang nagwaging Best Supporting Actress si Mona Lisa sa FAMAS at ­Gawad Urian para sa movie na “Insiang.” Nakasama rin siya sa
pelikulang “Itim,” “Cain at Abel,” at “Bayan Ko: Kapit sa Patalim”. Ang burol ay sa Loyola ­Memorial Chapel, ­Sucat Paranaque. ­Nakatakdang ilibing sa August 30, 3pm. (RFC)