Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mondilla kumapit sa tuktok

0 62

Nagka-triple bogey si Clyde Mondilla sa par-5 No. 9, pero nakapagsalba pa rin ng 72 para sa dalawang palong abante makaraan ang penultimate round ng ICTSI Splendido Taal Championship sa Laurel, Batangas, Huwebes ng hapon.

Halos manliit sa sa tiradang iyon ang matipunong alas ng Del Monte na binirdie ang pangatlo at pang-10 at nakakambal pa buhat sa pang-16 pagkalaho ng isang palo pang-14 at lumapit sa trono ng P2M Philippine Golf Tour makalipas ang dalawang pagsegunda.

“It happens,” bigkas ni Mondilla sa solidong hampas sa pangsiyam na deretso at mahabang naglakbay ang bola pero nawala sa fairway sa pangalawa niyang hampas gamit ang 6-iron. Nakaltasan pa siya ng isang palo at sumablay rin sa green sa three-putt.

Tinapyas ni Antonio ‘Tony’ Lascuña ang pitong lamang ni Mondilla mula sa second round sa tinipang 69 para sa 14-under 202 sa pagbabanta pa rin sa titulo, habang naka-eagle 66 sa 204 si Guido Van Der Valk ng Netherlands at magkatsansa rin. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.