Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mondilla nagpasiklab ng 63

0 73

Sinangkalan ni Clyde Mondilla ang all-around game sa pasabog na nine-under 63 (30-33) at pitong palong abante kay Antonio ‘Tony’ Lascuña at sa iba pang mga matitinik na karibal sa ICTSI Splendido Taal Championship second round sa Laurel, Batangas Huwebes ng hapon.

“It was near-perfect,” reaksiyon niya sa larong may eagle sa simula ng back nine, rekado pa ang tatlong kabit na mga birdie buhat sa pang-apat na butas at may dalawa pa sa pagtatapos ng 130. Hinablot niya ang unahan kay Miguel Luis Tabuena sa eagle na iyon at ang huli’y madisgrasya sa No. 12 ng Splendido Taal Golf Club.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nag-68 si Lascuña para sa 36-hole total 137 at may 138 si Tabuena mula sa 72 sa 65-player, 72-hole stroke play, P2M four-day event na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. at hatid ng International Container Terminal Servives, Inc.

Pero nanatiling course record ang 64 ni Rupert Zaragosa sa 2015 Splendido Classic dahil nilalaro ang torneo sa ilalim ng winter rules. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.