Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Moneda, Vicente naka-gold

0 218

Bumida sina John Patrick Moneda ng Lyceum of the Philippines University at Ignatius Vicente Pinera ng San Beda University sa online 96th National Collegiate Athletic Association junior boys taekwondo speed kicking Biyernes.

Hinablot ni Moneda ang gold medal sa five-jin flyweight event sa pinadyak na 6.733 points at pinagkasya sa silver si Reymundo Calamba III ng SBU (6.558) at sa bronze si Chris Daniel Barrozo ng Emilio Aguinaldo College (6.375).

Nag-alsa naman sa bantamweight na may lima ring kalahok si Pinera sa 6.750 markers para sa gold, habang nag-silver si Dirk Ranque ng LPU nan aka-6.483 at Lebron James Alemania ng Colegio de San Juan de Letran sa 6.200 puntos. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.