Abante Tonite Interactive

Moneyman dumayo; ibayong ingat sa daan

1,185

Hindi na natin nakuha pang ma-confirm kung natuloy nga ang pagkikita over dinner nina Sen. Manny Pac at TMM (The Moneyman) Flyod Mayweather kahapon.

Pero heto ang tiyak: Nakuhang yamapak ni TMM sa native land ng kanyang pang-48 na biktima sa imakuladang kartadang 50-0 (win-loss) hanggang sa mag­retiro ito noong 2017.

Heto pa ang isang tiyak: Mas piniling sumakay sa Lamborghini ni Moneyman kesa sa dala-dala nilang TMT (The Money Team) limousines sa world tour nito.

Sa pagdayo nito sa ‘Pinas, asam diumano ni TMM na makasalamuha si boxing Senator Money­pac at maka-recruit ng mga promising Pinoy boxer.

So, kita na natin ang future tense (hinaharap) sa present tense (ngayon): May kapalit na si Don King sa pagkatao ni TMM.

At hindi naman ma­sama. Dahil sa pagboboksing ito yumaman aba’y hindi malayong pagyamanin niya ang tinatawag na sweet science of sports na ito at pangalagaan ang kapakanan ng professional boxers.

***
CP snatching sa jeep.

At ngayon, balik naman tayo mga ka-Moto sa pagmomotor.

Talamak pa rin pala ang snatching ng cellphones sa mga lansangan­.

Sabado, galing kami sa Divisoria dahil nagpa-print kami ng mahalagang materyales, nasaksihan ko mismo ang insidenteng ganito sa tapat ng malaking mapa ng Pilipinas sa Luneta along Taft Ave.

Kamuntik ko pa masagasaan ang damuhong snatcher na sumibat sa harapan ng sasakyan matapos hablutin ang mamahaling cellphone ng isang ale sa loob ng sinasakyan nitong jeep.

Wala nang nagawa ang biktima kundi mapaiyak na lamang habang pangise-ngise tyak ang gagong snatcher na tumakbo patungong SM Manila sa kabilang kalye.

At isa pa ang katiyakan dito: May pang-score na naman ng droga ang isa pang ulol na anay ng ating lipunan. Whew!
Maging babala sana ito sa inyo mga ka-Moto.