Abante Tonite Interactive

Monfort coach na sa NLEX

560

Palit karera.

Ito ngayon ang peg ni NLEX Road Warrior guard Emman­ Monfort nang madagdag sa coaching­ staff ng koponan para sa papasok na buwang 45th season ng Philippine Basketball Association (PBA).

Ibig sabihin, isa nang skill coach nga­yon ang 30-anyos na produkto ng Ateneo Blue Eagle kasama si Borgie Hermida.

Pinahayag ng NLEX executive sa panayam ng Spin.ph, na dahil malaki at malawak ang IQ ng 5-foot-6 playmaker pagdating sa court, bagay na bagay ­siyang mahilerang coach.

“He tries to remain in basketball but in a different capacity.­ I think bagay sa kanya ang coaching because Emman has a good basketball IQ,” pahayag ni team representative Ronald Dulatre. “Graduate din naman siya, if ever he can also work as part of the NLEX corporate.”

Kakamando lang ng basketbolista sa koponang Celebrity­ team na bumulaga­ sa PBA-UNTV Legends­ sa Wish 107.5 Olympics nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum. (Aivan ­Episcope)