Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Monfort naaning sa Brgy Ginebra

0 275

Matindi!

Ganito ang naramdaman ni Emmanuel ‘Emman’ Monfort nang makapaglaro sa Barangay Ginebra San Miguel ng dalawang season noong 2013-14 at 2014-15 sa Philippine Basketball Association (PBA).

Inamin nitong Martes ng 31-anyos, 5-6 ang taas na point guard at tubong Iloilo City sa WRU Now podcast ni Mikee Reyes, na mistula siyang nabaliw nang mapabilang para sa #NSD.

“Crazy (ang feeling) kasi extreme ang experience,” sey ng seven-year pro veteran na 2012 second round, 16th overall pick ng Barako Bull Energy Cola at huling nagsilbing skills coach sa NLEX sa 45th PBA Philippine Cup 2020 sa Clark bubble.

“Parang birthday mo tapos ‘yung fans magpapa-birthday sa iyo, magdadala ng cake. Tapos sila pa ang magchi-chip in sa food, basta extreme siya and you will feel so loved,” hirit pa ng basketbolista.

Matapos ang pagsusuot ng Barako Bull jersey noong 2012-13, napabilang na ang produkto ng Ateneo Blue Eagles sa Gin Kings at naging 2018 All-Star.

Nag-national team din si Monfort sa kumopo ng gold medal sa 2011 Jakarta Southeast Asian Games, habang nakatatlong titulo sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ang isa pang kinampanyahan niya sa unang Asia’s play-for-pay hoop ay ang Phoenix noong 2016 bago ang huling taon sa karera sa Road Warriors. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.