Abante Tonite Interactive

Monitoring sa POGO paiigtingin ng DOLE

236

Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na paiigtingin ang isinasagawang monito­ring sa mga lugar ng ope­rasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Ope­rator (POGO) .

Ayon kay Bello, maglalagay ng mara­ming labor law compliance officer sa mga lugar ng operasyon ng POGO para makatiyak na hindi magihing disadvantage sa gobyerno ang operasyon ng POGO na karamihan ng empleyado ay pa­wang Chinese national na walang mga va­lid permit.

“In fact, dinagdagan kami ng 500 na labor law compliance officers (LLCO) to watch workers in the POGO operation areas. U­nang una, we have to make sure that wor­kers there ay mayroong Alien Employment Permit (AEP),” ayon kay Bello .

Sinabi ni Bello na hindi mag-iisyu ang DOLE ng AEP sa mga trabaho na kayang gawin ng mga Pilipino.

“Hindi kami nagbibigay ng AEP sa kahit sinong foreigner kung ang trabahong ginagawa nila ay ka­yang gawin ng mga Filipino,” ani Bello.

Gayundin, hindi mag-iisyu ang DOLE ng mga AEP sa mga fo­reign worker na walang tax identification number (TIN) para makatiyak na magbabayad sila ng buwis sa gobyerno.

Sinabi rin ni Bello na madali namang tukuyin ang POGO area sa Maynila at kung saan maraming POGO ay magdadagdag sila ng personnel sa Regions 2, 3, 4 at 11. (Juliet de Loza-Cudia)