Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Monsalve wow sa ICTSI opening

0 102

Malaking pagtapos ang kulang sa karerang may pasiklab sa simula at katapusan para kay Marvi Monsalve, may mainit na three-under par 69 at pinangunahan ang ICTSI Caliraya Springs Championship first round sa Caliraya Springs Golf Club sa Cavinti, Laguna Martes ng hapon.

Tinuntungan ang halos walang pagkakamaling iron game upang magsalpak ng apat na birdie laban sa isang bogey sa mahanging araw, pinoste niya ang dalawang palong abante kay Chanelle Avaricio na may two-birdie, one-bogey 71.

SM food to go Banner Ad

“I played it simple, hit a lot of greens but missed a lot of putts. But I was able to drop some,” lahad ni Monsalve, na tie sa eighth sa Luisita at 12th place sa Hallow Ridge, unang venue host gaya ng Cliraya para sa Ladies Philippine Golf Tour na pinatatakbo ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.

Iwan ng four-shot si dating leg winner Chihiro Ikeda na may 1 birdie, 2 bogey para sa 73 sa LPGT Leg 3 54-hole event. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.