Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Monte pasiklab vs Kapatagan

0 38

Lumagare ng 27 points ni Marlon Monte upang ibigay sa Roxas ang unang panalo sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 (2nd Conference) Mindanao Challenge elims sa tono ng 89-77 pagkalaykay kontra BYB Kapatagan, 89-77, Martes sa Pagadian City Gymnasium, Zamboanga Del Sur.

Mainit saan mang bahagi ng court si Monte sa pinukol na 7-of-14, tampok ang ang 9-of-9 sa charity stripe na may palabok pang tig-5 rebounds at assists at 2 steals para sa 1-1 win-loss slate.

Inaalay ng Vanguards paagkaraan ang panalo sa kanilang utility staff na si Gerru Cojuangco na namatay nitong Linggo ng umaga.

“Dine-dedicate namin ito kay Gerry Cojuangco,” bulalas ni Roxas coach Alvin Grey.

Nawalang saysay naman ang 18 markers ni Gayford Rodriguez para sa nagbukas pa lang ng kampanya na Buffalos. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.