Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Montero bumulusok sa bangin: 1 tigok, 6 sugatan

0 46

Isa ang patay habang anim ang sugatan nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang sport utility vehicle sa Bontoc, Mountain Province, Biyernes ng hapon.

Base sa imbestigasyon, bumabaybay sa national road sa Brgy. Bayyo ang Mitsubishi Montero na minamaneho ng isang Hector Arana papuntang Sagada, nang pumasok ito sa linya ng kasabay na Tamaraw FX.

Nasagi ng SUV ang side mirror ng FX hanggang sa mawalan ito ng kontrol at tuluyang dumiretso sa bangin na may 60 metro ang lalim.

Agad ni-rescue at isinugod sa ospital ang mga pasahero ng nahulog na sasakyan pero idineklara na ring patay ang isang biktima na kinilalang si Charity Vicente, 54-anyos.

Sugatan naman si Arana pati ang iba pang pasahero na sina Caden Lex, Mylene, Virgilio Luces, at sina Maxie at Meliza Almerino.

Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang insidente. (Damien Horatio Catada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.