Abante Tonite Interactive

Montgomery in, Denzel out sa ROS

408

Out na sa buong PBA Commissioner’s Cup si Denzel Bowles, tinapik ng Rain or Shine si Carl Montgomery para isagupa sa Magnolia Pambansang Manok bukas.

Inabot ng left knee injury si Bowles tapos makipagbanggaan kay Aces forward Jeron Teng sa second quarter ng 86-84 win ng Elasto Painters nitong Sabado.

May lumagutok sa kanyang tuhod, ayon kay Bowles. Base sa findings, nagkaroon ng medial meniscus tear at medial collateral ligament tear sa tuhod ang dating Best Import ng parehong torneo noong 2012.

Nasa sixth place sa kasalukuyan ang Rain or Shine, kabuhol ang Phoenix sa 4-5 baraha.

Susubukan ni Montgomery na igitgit ang Painters sa top eight para makahabol sa quarterfinals. Tatapusin ng RoS ang elimination round campaign kontra San Miguel sa Sabado sa Cagayan de Oro City.

“It would be hard to match what Denzel had provided us,” ani Painters coach Caloy Garcia. “But M­ontgomery will surely be a big help on the defensive end.”

Nakapag-ensayo na si Montgomery sa Painters Lunes ng hapon.
Nakalistang 6-foot-8, produkto ng Chicago State ang 30-anyos na si Montgomery. Huli siyang naglaro para sa JD Unicorns sa Malaysian League tapos ang kampanya sa Latvia, Estonia at Belgium. (Vladi E­duarte)