Abante Tonite Interactive

Montgomery, McCullough sabong sa Cagayan de Oro

0 216

Laro ngayon: (Cagayan de Oro City)
5:00pm — Rain or Shine vs. SMB

Isa sa San Miguel Beer at Rain or Shine ang makakalsuhan ang back-to-back wins tapos ng bakbakan nila sa Petron Blaze Saturday Special ng PBA Commissioner’s Cup sa Cagayan de Oro City mamayang alas-5:00 ng hapon.

Nasa fifth place sa kasalukuyan ang Elasto Painters­ sa 5-5, magkasunod na tinumba ang Alaska 86-84 noong Sabado at Magnolia Pambansang Manok 86-82 nitong Miyerkoles.

Umangat sa seventh ang Beermen sa 4-5 tapos ng mga panalo sa NLEX 109-105 nitong July 5 at Phoenix Pulse 128-108 nitong Miyerkoles din.

Isang panalo pa ay makakasiguro ang Rain or Shine ng puwesto sa quarterfinals.

Misyon ng Beer na ipanalo ang hu­ling dalawang laro – laban sa Meralco sa wakas ng eliminations sa July 17 – para umabante sa next round. Nasa pagitan ng RoS at SMB ang 5-5 ding Hotshots.

Maganda ang debut game ni Carl Montgomery sa Rain or Shine, mabagal ang umpisa pero nang magamay ang laro ay tumapos ng 20 points, 12 rebounds, 4 assists at tig-2 steals at blocks.

“In the first half, I think nanggigil siya eh,” ani coach Caloy Garcia sa import na ipinalit kay Denzel Bowles (knee injury). “When he caught the ball inside, I explained to him that it is different here kasi medyo physical and everybody in the Magnolia side was collapsing on him.”
Mapapalaban si Montgomery­ sa bagong import din ng San Miguel na si Chris McCullough na pumalit kay Charles Rhodes. (Vladi Eduarte)