Abante Tonite Interactive

Moore, Mighty Sports winalis ang Jones Cup

317

Dominanteng porma pa rin ang pinakita ng Mighty Sports Apparel-Go For Gold Philippines, kinubra ang ika-16 na sunod na panalo sa William Jones Cup 2019 sa pagtaob sa Chinese-Taipei White, 81-71, at maibulsa ang kampeonato sa 41st edition ng annual meet.

Naging sandigan ng Mighty si McKenzie Moore, dalawa lang ang lamang ng PH team sa huling canto at biglang humarabas ng 14-4 run na pinamunuan niya,kabilang ang tomahawk slam para ibigay ang 73-61 lead sa koponan.

‘Di pa natapos doon si Moore, lalo pang sinira ang diskarte ng mga Taiwanese sa muling pagdakdak, 1:33 ang nalalabi sa game clock, at masiguro ang panalo. May 16 points si Moore kasama ang 5 assists at 4 steals sa larong hindi sumalang si Renaldo Balkman.

Abante Hiring – IT dep

Pero si dating PBA import Eugene Phelps ang top scorer Mighty sa 24 markers at 13 boards, umayuda ng 11 pts. si Joseph Yeo lahat sa second quarter.
Ito na ang ikalawang titulo ng Mighty sa nasabing torneo, unang nagkampeon noong 2016 via 8-game sweep din.

Ang iskor:

Mighty Sports 81 – Phelps 24, Moore 16, Yeo 11, Williams 7, N’Diaye 7, Adams 6, Brickman 4, Gray 2, Black 2, Wongchuking 2.

Chinese Taipei White 71 – Wu, Y. 15, Lin, K. 10, Chou 10, Wu, C. 9, Lin, T. 8, Tseng 7, Chen 6, Hsieh 2, Sun 2, Huang 2, Lai 0, Su 0.

Quarters: 15-16, 40-32, 59-55, 81-71. (Ray Mark Patriarca)