Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morado papatali na Future Mrs. De Guzman!

0 147

Matutupad na rin ang pangarap ni Premier Volleyball League (PVL) star Julia Melissa ‘Jia’ Morado na kasal nang alukin ng matagal nang nobyong si Miguel De Guzman na agad namang inoohan ng dalaga.

Ibinahagi ng Creamline Cool Smashers setter sa kanyang social media accounts (Instagram at Twitter) ang kaganapan nitong Huwebes. Inabot ang kanyang kamay sa nobyo para isuot ang engagement ring.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“On October 1, at exactly 11:11am, my wish came true,” caption ng 25-anyos, may 5-7 na taas, tubong Parañaque at 2015-19 national team volleybelle.

Agad din binati ng kanyang tropa mula sa PH 6, PVL, Philippine SuperLiga (PSL) at University Athletic Association of the Philipines (UAAP) ang beteranang balibolista kagaya nina Alyssa Valdez, Mary Joy ‘Majoy’ Baron, Abigail ‘Aby’ Maraño, Maddie Madayag at Isabel Beatriz ‘Bea’ De Leon. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.