Abante Tonite Interactive

Morado, Valdez umatake; Creamline swak sa Final 4

358

Nagwala si Julia Morado ng three points at 26 excellent sets para papasukin na sa semifinals ang Creamline, diniskarga ang Motolite, 25-15, 25-20, 25-23, sa 3rd Premier Volleyball League 2019 Reinforced Conference eliminations sa Filoil Flying V Centre, San Juan Miyerkoles ng gabi.

Bakasan ng 13 points each sina imports Aleoscar Blanco ng Venezuela at Kuttika Kaewpin ng Thailand sa sixth straight wins ng Cool Smashers para samahan na sa Final Four ang unang tumapak doong league-leading PetroGazz (7-0).

Binulilyaso ng Cool Smashers ang matagal na inaabang debut ni Myla Pablo para sumalampak ang Power Builders sa 2-5 at manganib na makasulong sa next round. Anakatatlong puntos lang, ang pag-absent niya ng six games ay bunsod ng back injury.

Abante Hiring – IT dep

“We’re just really happy that we’re really jelling and our chemistry as team is back. And I guess the key talaga in winning back in the games, back in Iloilo and today were our imports. I think nakuha na nila yung system of (Thai) coach Tai (Anusorn Bundit) and really jelled with the team,” bulalas ni Valdez, nagkontribyut ng 10 markers sa Creamline.

“Syempre, the more waepons we have going into the semifinals, the better and second round it’s about time na nag-jell na kami,” hirit naman ni Morado.

Nawalang saysay lang ang nag-1-2 sa opensiba ng Power Builders na sina Tribagonian reinforcements Channon Thompson na may 15 pts. at Krystle Esdelle na naka-14. (Janiel Abby Toralba)