Abante Tonite Interactive

Moralde, Koga binitbit ang Cagers vs Pirates

167

Binalikat nina Dave Moralde at Ryusei Koga ang Muntinlupa Ca­gers sa pagpugot sa Pasig Pirates sa overtime 98-92 Huwebes ng gabi sa Muntinlupa Sports Complex.

Sinamantala ng Muntinlupa ang homecourt advantage at sinel­yuhan ang panalo para pumasok sa playoffs ng 1st Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Datu Cup.

Nasa magandang posisyon ang Cagers na tuloy ang pagkapit sa second spot sa Southern Division bitbit ang 13 pa­nalo at 7 talo. Salampak ang Pirates sa 3-19.

Nanguna para sa Cagers si Moralde na may 15 points. Pero mas nagningning ang bagong recruit na si Koga, na sinalpak ang crucial three-pointer sa huling 40 segundo ng extra period at sumiguro ng tagumpay sa host squad.

Umayuda si Regie Basibas ng 13 pts., 12 si Allan Mangahas at 11 si Chito Jaime.

Nagposte naman si Marvin Hayes ng 19 markers at 10 boards upang patirin ang ng Manila Stars Marikina Shoemasters, 91-89 at balik-2nd place sa Northern Division.

Umagapay ng 19 pts. si Chros Bitoon at tig-10 sina Aris Dionisio at Macklin Sabellina para sa sampa ng Manila sa 19-4 at ikadausdos ng Marikina sa 7-14.