Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morales, 8 PhilHealth Exec swak sa cash advance

0 107

Kinasuhan ng Department of Justice sa Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa pangunguna ng Pangulo at CEO na si Ricardo Morales kaugnay ng kuwestiyunableng cash advances na ibinigay sa mga ospital.

Bukod kay Morales, kasama ring tinuluyan ng DOJ sina Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel De Jesus, Senior Vice Presidents Renato Limsiaco, Jr.; Israel Francis Pargas at lima pang opisyal.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang siyam ay inakusahan sa paglabag sa Sections 3(e) and 3(i) of the anti-graft law; sections 251, 255, at 272 ng National Internal Revenue Code, section 4 of Republic Act No. 1051; gayundin ang malversation of public funds or property.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ay may kaugnayan na na rin “questionable grant of advances to a number of healthcare institutions in the National Capital Region pursuant to the interim reimbursement mechanism provided for under PhilHealth Circular No. 2020-0007,” ayon kay Justice Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay.

Ayon kay Sugay, ang kasong kriminal na isinampa ng DOJ- inter-agency task na siyang nanguna sa imbestigahan sa mga anomalya sa PhilHealth ay may kaugnayan sa fund disbursements sa pamamagitan ng kontrobersiyal na Interim Reimbursement Mechanism (IRM), isang sistema kung saan nagsagawa ng advance releases ng pondo ang Philhealth pabor sa mga ospital.

Batay sa datos, hanggang June 9, 2020 ay nakapagpalabas ang PhilHealth ng P14 billion sa COVID-19 funds sa may 632 health care institutions.

Sa nasabing halaga, P231.15 million ang naibigay sa mga dialysis centers at maternity clinics, na hindi naman nangangasiwa sa mga COVID-19 patients. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.