Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morant 50-50 sa Game 4

0 37

Nabalian ng kaliwang siko si Golden State guard Gary Payton II sa Game 2 ng 76th National Basketball Association 202-22 West semis kontra Memphis.

Sa Game 3 na itinakbo ng Warriors 142-112 nitong Sabado, si Grizzlies star Ja Morant naman ang inabot ng right knee injury.

Dinamba ni Jordan Poole ang tuhod ni Morant.

“Broke the code” ang itinawag ni Golden State coach Steve Kerr sa ginawa ni Dillon Brooks nang hambalusin ang pa-layup na si Payton.

Tinawagan ng flagrant 2 si Brooks, binuno ang one-game suspension noong Game 3.

SM food to go Banner Ad

Ibinalik naman ni Morant sa Twitter ang ginamit ni Kerr. Si Poole naman ang sinabihan niyang “broke the code” bagama’t na-delete rin.

Hindi pa sigurado kung makakalaro si Morant sa Game 4 ngayong araw sa Chase Center sa San Francisco rin.

“Ja was playing great, feeling great all game and that the grab of the knee is what triggered the potential injury and why we took Ja out of the game,” ani Memphis coach Taylor Jenkins. “There’s probably a really good chance he doesn’t play tomorrow.”

Lamang ang Warriors sa series 2-1. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.