Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morant babu sa playoffs

0 46

MAS mahihirapan ang Memphis na umiwas sa bakasyon ngayong mukhang hindi na makakalaro buong playoffs si Ja Morant.

Nanganganib nang mag-exit ang Grizzlies, iwan 3-1 sa West semis kontra Golden State.

Inagawanng Warriors ng panalo ang Grizzlies 101-98 noong Game 4.

Pero kahit wala si Morant sa laro, nasa unahan ang Memphis hanggang sa final minute.

Kinumpirma ng team na posibleng out na sa kabuuan ng playoffs si Morant. Nakita sa MRI na may bone bruise sa dati nang injured na kanang tuhod.

Inabot ang paa ng NBA Most Improved Player nang dambahin ni Jordan Poole noong Game 3.

Dumayo ng Memphis ang Warriors para sa Game 5 ngayon pero hindi sumama si coach Steve Kerr na nag-positive sa COVID-19.

Puro na sa conference finals ang Warriors pero ayaw pakampante.

“Wednesday is going to be the hardest one yet,” pakli ni Klay Thompson. “It always is, the closeout.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.