Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morant ginaya si Curry

0 51

May mensahe si Stephen Curry kina Ja Morant at Jaren Jackson matapos kubrahin ng Golden State ang Game 1 ng 76th NBA 2021-22 West semis noong Lunes.

“This (series) is going to be a battle, have some fun,” aniya.

Nag-counter si Morant sa Game 2, pinantayan ang career playoff-high 47 points para ihatid ang Memphis sa 106-101 panalo nitong Miyerkoles.

“I was able to return that message, saying the same thing,” ani Morant sa postgame interview. “This is my favorite matchup playing against a guy like him, a great talent. Yeah, it’s going to be a battle.”

SM food to go Banner Ad

Humahagibis si Morant sa fourth quarter ng series-tying win.

Kinumpleto ng Most Improved Player ang 3-point play para ibuhol sa 89. Mula sa final 4:16, kinamada niya ang final 15 pts. ng Grizzlies.

First two games sa Memphis, lipat ang Game 3 sa San Francisco sa Linggo (araw sa Manila). (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.