Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morant, Grizzlies atat vs Warriors

0 52

MULA 2019, ngayon lang ulit nanalo sa NBA playoff series ang Golden State – kinalos si Nikola Jokic at Nuggets 4-1 sa West first round.

Martsa sina Stephen Curry, Klay Thompson, Jordan Poole, Draymond Green at No. 3 Warriors pa-Memphis para hamunin ang No. 2 Grizzlies sa West semis.

Game 1 ngayong araw.

Gigil sina Ja Morant at Grizzlies na ipakitang panahon na nila ngayon.

Desidido ang Warriors na patunayang hindi pa sila laos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Parehong nakasandal sa small-ball lineup ang magkatunggali, malamang na sina power forwards Jaren Jackson at Green ang pinakamalalaki sa loob.

Sa anim na laro tinapos ng Memphis ang Minnesota, pero buong serye na wala si center Steven Adams (health and safety protocols).

Balik na ang angas ng Splash Brothers ng Golden State na sina Curry at Thompson, may Poole pa sila.

Pero inari ng Memphis ang season matchup, 3-1. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.