Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Morant P51M TF sa dakdakan

0 65

Kilala si Ja Morant sa ekspolisibong atake sa basket, maya’t maya ay nilalabas ang husay lumipad at nakakadakdak kung trip niya.

May mga pang-highlight plays din siyang slam, bagama’t mas marami ang kanyang assists – 7.3 per game sa tatlong seasons sa NBA.

Mabilis, mataas tumalon ang American na 2020 Rookie of the Year.

Pero mataas ang presyo ng 6-foot-3 guard para makita ang talento niya sa Slam Dunk contest.

“Memphis Grizzlies PG Ja Morant says he’d have to get paid $1,000,000 to participate in the dunk contest,” ulat Lunes ng Bleacher Report.

SM food to go Banner Ad

Na-interview ni Taylor Rooks si Morant, at sinabi ng 22-year-old ang kanyang presyo.

“A million dollars.”

Nawala na ang pasiklaban sa dunk contest, mga galaw na dating nirereserba lang sa kumpetisyon. Sa mismong laro, nakakadakdak na ang players sa paraang gusto nila.

“I feel like now you just see so many crazy dunks in-game that when the dunk contest comes, you don’t appreciate the dunk as much,” dagdag ni Morant. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.