Abante Tonite Interactive

Mordido kapit sa manibela

0 173

Nakipaghatian ng puntos si Kylen Joy Mordido kay kapwa Woman International Master Allaney Jia Doroy sa fifth round upang mapanatili ang kalahating puntos na abante sa 2019 National Women’s Chess Championship Grand Finals sa Philippine Academy for Chess Excellence sa Quezon City.

Sumilo ng unang W Grandmasters norm sa pananaig sa 2018 Korea Eastern Asia Youth Championships girls’ 18-under division, nakipagkasundo ng tabla ang 17-anyos na dalagita kay Doroy sa 31 moves ng Slav defense.

Nakalikom na si Mordido ng 4.5 points mula sa apat na panalo at isang draw, sapat para sa Dasmariñas, Cavite bet na hawakan ang liderato papasok ng round 6 sa event na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Nagwagi si Mordido, 2nd Siklab Sports Youth 2019 awardee, kay Samantha Umayan sa fourth round Huwebes ng gabi.

Nasa likuran ni Mordido sina top seed WGM Janelle Mae Fraya, WIM Jan Jodilyn Fronda at WIM Mikee Charlene Suede na may tig-aapat na mga puntos.

Kinaldag ni Frayna si Rizalyn Jasmine Tejada sa 35 moveas ng Alekhine defense; pinagpag naman ni Fronda si Mary Ann Alcantara sa 33 moves ng Larsen opening habang pinayuko ni Suede si Umayan sa 16 sulungan ng French Excjange variation.

Makakalaban ni Mordido sa round 6 si WIM Marie Antoinette San Diego. (Elech Dawa)

Kylen Joy Mordido (Photo po sa Page 1 ang 07 Mordido 2)

07 Mordido caption (07 Mordido 1 Page 11 po ginamit)

Sina Woman International Masters Kylen Joy Mordido at Allaney Jia Doroy sa bahagi ng game nila Biyernes sa Philippine Academy for Chess Excellence sa Quezon City.